Quantcast
Channel: Historia – Bombard the Headquarters!
Viewing all articles
Browse latest Browse all 38

Panawagan ni Bonifacio

$
0
0

Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kahirapan, lalo’t lalong kataksilan, lalo’t lalong kaalipustaan, at lalo’t lalong kaalipinan.

Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.

Itinuturo ng katwiran na tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.

Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan.

Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.

Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kababayan! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.

Andres Bonifacio,
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog*

* Bonifacio uses the word Tagalog to mean all the people living in the Philippine islands.


Filed under: Historia, Política Tagged: Andres Bonifacio, Boni@150, Bonifacio, Philippine Revolution, Revolution

Viewing all articles
Browse latest Browse all 38

Trending Articles