Mensahe ng Anakbayan para sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
Marso 2012
Isinilang ang Marso 8, Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan, ng militanteng paglaban ng mga kababaihang manggagawa sa panahon ng matinding krisis at pagsasamantala dulot ng rebolusyong industriyal—ang pagkapanganak ng sistemang kapitalista.
Marso 8 noong unang nagmartsa ang mga kababaihang manggagawa mula sa mga pabrika ng damit sa Europa at Estados Unidos. Kakambal ng mabilis na pag-usad ng teknolohiya upang pabilisin ang produksyon at paglobo ng kapital o supertubo ang sistematikong pagsasamantala sa uring manggagawa. Nagprotesta sila laban sa mababang sahod, 12-oras at ‘di makataong kundisyon sa paggawa, child labor at maging ang kanilang karapatan bumoto, lumahok sa pulitika. Sila’y nag-organisa’t nagtayo ng mga unyon at nagwelga laban sa mga kapitalista.
Read Kababaihan, isabuhay ang diwa ng Marso 8! Makibaka para sa pambansang demokrasya’t kalayaan!
Filed under: Escritura, Historia, Política Tagged: International Women's Day, Kababaihan, March 8, Women, Women's Liberation, Women's Rights
